Monday, March 22, 2010

mahal kita kasi kasi...





* napanood ko kagabi sa going bulilit tawa ako ng tawa at ang cheezy ng lines... nakakatawa talaga mga pilosopong in lab!!!



Bangin ka ba? Kasi
Nahuhulog na ako sa’yo, naman kasi
Unggoy ka ba? Kasi
Sumasabit ka sa puso ko, naman kasi
Pustiso ka ba? Kasi
You know I can’t smile without you
Pagod na pagod na ako
Maghapon ka na kasing tumatakbo sa isipan ko
Kasi naman kasi

Mahal kita
Bagay tayong dalawa
Papicture nga
Para mapadevelop kita
Hindi tayo tao, hindi rin tayo hayop
Bagay tayo, bagay talaga

Papupulis kita, kasi
Ninakaw mo ang puso ko, naman kasi
Kuto ka ba? Kasi
Palagi ka sa ulo ko
Naman kasi
Apoy ka ba? Kasi
Alab-alab I love you
Magsalbabida ka nga
Kasi baka malunod ka sa pag-ibig ko
Kasi naman kasi
Mahal kita
Bagay tayong dalawa
Papicture nga
Pare mapadevelop kita
Hindi tayo tao, hindi rin tayo hayop
Bagay tayo, bagay talaga
Kamukha mo si Papa P, Papa P (bingo)
P Papa P, Papa P
P Papa P, Papa P (bingo)
Exam ka ba, kasi
Sasagutin kita agad-agad, naman kasi
Drugs ka ba? Kakaadik ka naman kasi
Kulangot ka ba? You’re really hard to get
Posporo ka ba? E di posporo rin ako
Parang match
Kasi naman kasi
Mahal kita
Bagay tayong dalawa
Papicture nga
Pare madevelop kita
Hindi tayo tao, hindi rin tayo hayop
Bagay tayo, bagay talaga
Pustiso ka nga, kasi
I really really can’t smile without you…

Saturday, March 20, 2010

God is entering the dungeon of my life...


Ang sarap din umupo at makinig na lamang... I just got home from the lenten reco. Before going there, i really set my mind na makikinig ako... May pagka ADHD kasi ako e. What I did, umupo ako sa front row same time assist na din the technicals of the reco. We had two speakers, one was fr. Gaston. He talked about conversion and forgiveness... Na forgiveness comes after conversion of the heart. Na never nag impose si God never namilit na bumalik sa kanya but He always wait for us. We had freedom pero true freedom is the capacity to do good. But when it is abused and caused me sin... I'll be enslaved by it and it is like natrapped in a quicksand... No other way but to hold God's hand to pull me up. It's a grace from the Lord... the gift of conversion.
After Fr. Gaston, it was fr. johnny go. Inabangan ko talaga si fr. johnny kasi sobrang natutuwa talaga ako sa kanya pag nagtatalk siya. Anyways, the title of his talk was God in the dungeon... Title palang na stuck na ako. He asked us to examine our live... Is my life a bowl of cherry or am i in the pits? when i answered the survey, i got 2 at some areas and 3 sa iba... Di ko naman kasi consider na super i'm in the pits pero di naman na ok na ok... Mejo leaning nga na parang asa pit e pero sabi ko sa sarili ko i don't want to dwell on sa negativity ng life ko pero yes, it was a struggle and keep on working on it. Ang galing lang when fr.johnny said sa si God inallow nya maging loser siya nun nabubuhay cia sa earth he allowed to be crucified not because he is a weakling but he wants na samahan ang mga losers like me. Naredefined sa akin ung meaning ng failure... I might be a failure somehow pero God doesn't want me sa dark dungeon ko... Handa siyang madumihan just to enter my dungeon... Unti unti nang lumiliwanag dungeon ko sinasamahan kasi ako ni God... And it is always a decision for me to keep the faith or not... But i want to keep mine... I pray na samahan ako ni God palagi... never loose me again...

talent + effort(squared) - ranting + konting puyat = blessing


Last week, sa gitna ng masalimuot na mundo... may dating kahousehold na nakisuyo sa isang proyekto... He called me up kung pwede ba daw ako mag edit ng video para sa farewell ng boss nya... sabi ok lang basta ok ung materials at storyboard kasi ayaw ko na mag isip... He asked my rate kasi nga racket nga un... sabi ku hmmmmm di ku talaga alam rate ko kasi usually ung videos na ineedit ko mga favors lang para sa mga friends... Kung sa totoong buhay mejo mahihirapan na talaga sila makakakuha ng editor for his project kasi rush... Friday mabibigay ung materials monday ung event... hmmmm mejo napaisip talaga ako pero i was thinking kahousehold ko naman to dati and i guess it's an opportunity to share my talent... So nun friday, he handed me the raw materials... hmmmmm mejo madami pala hahaha 7 videos haha naku magic pala gagawin ko haha... o well sabi ko cge bahala na... It was friday and he said his boss wants to meet me saturday afternoon for a draft (huwaaat) pero napangiti lang ako bahala na ulet hahaha. He told me ok lang yan careerin mu nalang may TF naman un sabi ko well ok din un kasi makakahelp ung TF para bumili ng ilang stuff na kelangan ko. So come sat... major disaster pa kasi ung version ng premiere ko di tumatanggap ng mpeg4 sooooo i have to look for cs4 installer haha patay na lunch time na alang pang draft haha and i got a "client meeting" ng 4pm i made a draft na uber short lang and ayun nimeet ko nga sila... Bahala na daanin nalang to sa charm... When I had the meeting, kinuwentuhan ko nalang kung ano makikita nila at tinanong tanong kung anu gusto nila makita... whew lumusot din ang meeting... Ayun nun sunday nagkulong lang ako sa bahay at kumareer... the same time naghahanda para sa talk ko the next day... One thing I learned from doing rackets... I should know how to balance my life... At alam ko kung ano priority ko... Cut the story short yey!!! nadeliver ko naman ang project ko whoooooooo Magic talaga hahaha

But the best thing with this is nagkaroon nga ako ng TF... And super natuwa ako kasi nabili ko ung dapat ku mabili was able to upgrade iniego yey mas mabilis na siya ngayon at nakabili na din ako smart bro di na ako manghahagilap ng WIFI ng may wifi... and finally a part goes to my savings yey... Siguro nga minsan binibigyan ako ni God ng ganitong mga opportunities to be a good steward of my time and resources... Bawasan lang ang pagrereklamo sa buhay I guess mas madami pa akong matatapos na mga bagay bagay... Pero praise God talaga sa blessings na ito :)

Monday, March 15, 2010

First blog hoping it's not the last

Hmmm ... kuya xavs is peeping as if naman di nya babasahin later hehehe... I'm not a good blogger malamang kasi tamad ako magsulat hahaha... Well i think is a good start when someone challenges you(bullied haha joke lang) to blog hehe!!! Usually i don't usually express my thoughts in writing but somehow i felt why not try it... for a change... I used to have blog space before. I think it was updated 3 years ago... So di na siya pasok sa term na "updated" haha... oh well i'll keep this short muna hahaha di pa ako ready for the wkc meeting later... ciao for now..