Wednesday, August 4, 2010

Life's Equation

Sabi ng college blockmate ko pag tawa ka daw ng tawa ngayon, malamang bukas iiyak ka naman ng sobra. Pag masyado na kaming masaya hihirit yun "ayan iiyak na naman tayo bukas at mananahimik nalang ang lahat". At para nga naman kami pinaglalaruan ng panahon,today ang saya saya ng scores namin sa trigo bukas luluha naman kami sa physics. She was implying na: 'Wag masyadong masaya dahil babawi yan bukas. Pero sa palagay ko, "Ang lame naman nun di naman siguro ganun un" Pero minsan napapa-isip nga ako baka ganun nga siguro… Gash!!! Nabiktima ako ng pilosopiyang iyon…


Naalala ko noong mga nakaraang taon na maraming pagkakataon nun na ang sarap ng tawa ko, ang saya saya ko at di ata maubos ang kulet sa katawan na parang wala nang bukas pero tanong ko bakit ngayon nalulungkot ako? Bumabawi nga ba ang panahon?


At kung isusulat ko sa isang equation ang statement na to marahil ganito ba ang ibig sabihin nito?

Happiness = Sadness

Therefore?!

Or


Ganito nga ba to???


I realized di naman sadista ang Diyos ko. He wanted me happy at un lang ang pangarap nya para sa akin. The Lord wants me to cherish every moment I smiled and laugh out loud. Para 'to sa mga panahon na malulungkot ako para may babalikan ako na sadyang magpapangiti sa akin. Para kung ano mang sugat na malalim ay di na magiging ganun kasakit kung baga pang antidote. Ung happy moments and even ung hindi, bigay ni God lahat un. Sa di mga magagandang nangyari… sabihin nalang din natin part pa rin un ng buhay… I guess nangyari un para maunawaan ko pa ang halaga ng buhay.


Pwedeng ganito siguro ung equation ng statement na un:

The things I'm trying to do right will cancel out my mistakes from the past as long as I make it right with the Lord.


So therefore I conclude my equation can be stated like this:


Happiness + Sadness = Fullness of Life





1 comment: